Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo.
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon…
Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
Nakayanan n'yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n'yang lumipad.
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi
Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay.
Turuan mo ang mga taong mag-isip. Tulungan mo ang kapwa mong maging maalam. Dahil ang matalino, kung hindi magbabahagi ng kaalaman, ay wala ring pinagkaiba sa bobo.
Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?
...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.